Nagpoprotesta kontra Grab Philippines ang isang grupo ng mga driver ng Transport Network Vehicle Service Hatchback Units (TNVS).
Partikular na pino-protesta ng grupo ang anito’y discrimination at limitation sa kanilang area of service.
Nagtipon-tipon sa Diokno Boulevard sa Pasay City para sa kanilang protest caravan ang mga driver na kabilang sa grupong laban tnvs.
Ayon sa grupo hindi sila makapag-alok ng kanilang serbisyon sa buong Metro Manila dahil limitado lamang ang ibinigay na lugar sa kanila na pawang ma-traffic pa.
Itinatago rin anila ng Grab ang ibinibigay na option sa mga pasahero na piliin ang hatchback sa passenger app.
Dahil dito sinabi ni Laban TNVS Spokesman Jun De Leon ang 300 TNVS hatchback drivers.