Binisita ni Chinese President Xi Jinping ang mga pasyenteng tinamaan ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD) sa Anhuali Community sa Beijing.
Nakasuot ng surgical mask si Xi nang bisitahin ang mga pasyente at medical workers samantalang nagsuot ng surgical gown nang kausapin ang mga doktor sa Beijing Ditan Hospital.
Ang nasabing presensya ni Xi ay kauna-unahan –simula nang magkaroon ng outbreak ng 2019 nCoV-ARD sa China.
Itinalaga na ni Xi si Chinese Premier Li Keqiang para pamunuan ang grupong tututok sa outbreak.
Noong isang buwan ay binisita na ni Li ang ground zero sa Wuhan.