Umabot na mahigit 200,000 baboy ang pinatay sa Davao Occidental dahil sa African Swine Flu (ASF).
Sinimulan ang depopulation ng lahat ng baboy sa Davao Occidental sa bayan ng Don Marcelino –ang ground zero ng ASF sa Mindanao, kung saan nasa P6,000 ang nasawi dahil sa ASF.
Ayon kay Dr. Ronnie Domingo ng Bureau of Animal Industry, sa nasabing bilang, 16% lamang ang nagpakita ng sintomas ng ASF subalit isinama sa depopulation ang 80% dahil na-expose na ang mga ito sa mga may sakit.
Sa ngayon, hindi pa anya matukoy ang pinagmulan ng ASF na nakarating na sa Mindanao.
Sinabi ni Domingo na isa sa posibilidad ay ang mga processed foods na iniuwi ng mga nagbalikbayan noong Pasko.