Buo na ang pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbasura ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo hindi na makikinig o tatanggap pa si Pangulong Duterte ng anumang inisyatibo mula sa pamahalaan ng Amerika para tangkaing isalba ang VFA.
Sinabi rin ni Panelo na handa ang Pangulo na tanggihan kahit anong opisyal na imbitasyon mula sa Amerika.
Aniya nais ng Pangulo na magkaroon ng independent foreign policy ang Pilipinas batay sa national interests at general welfare ng bansa.