Kinalampag ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa patuloy na paglala ng problema sa basura ng bansa.
Ayon kay Gatchalian, chairman ng senate committee on energy, hindi epektibo ang kampanyang “Reduce, Reuse, Recycle” ng basura sa bansa.
Ito ay dahil 30% lang aniya ng mga barangay sa buong Pilipinas ang nagpapatupad ng segregation.
Maliban dito, patuloy din umano ang operasyon ng illegal dumpsites na lumalabag sa solid waste management act.
Kasabay nito muling iminungkahi ng senador ang agarang pagpasa sa Waste to Energy Act kung saan magagamit ang mga basura bilang enerhiya.
Giit ng senador na panahon pa para ikunsidera ng gobyerno ang pagpapatayo ng waste-to-energy facilities para tugunan ang problema sa basura.