Magandang balita sa mga matatalinong estudyante sa pampublikong elementarya at senior high school sa Pasig City na magtatapos ngayong taon.
Aprubado na kasi ang resolusyon ng city council na naglalayong magbigay ng cash incentives mula sa 500 hanggang 3,000 para sa mga estudyanteng magtatapos na may honor para sa school year 2019 – 2020.
Nagpasalamat naman si Pasig City Mayor Vico Sotto sa pagpapa-apruba ng naturang resolusyon.
Sa ilalim ng naturang resolusyon, makatatanggap ng P500 ang mga elementary graduating students na with honors, P1,000 para sa mga with high honors at P1,500 para sa mga with highest honors.
Samantala, P1,000 ang ipagkakaloob para sa mga Senior Highschool students na magtatapos na with honors, P2,000 para sa with high honors at P3,000 naman sa with highest honors.
#justsigned. Resolution approving the grant of cash gifts to our ES and HS students graduating with Honors!
Salamat sa Sangguniang Panlungsod sa pag-apruba nito. pic.twitter.com/GcpBDLOAvN
— Vico Sotto (@VicoSotto) February 12, 2020