Umapela ang gobyerno sa Supreme Court (SC) na babaan nito ang compensation na ibabayad sa Philippine International Air Terminals Company Incorporated o PIATCO para sa pagpapatayo ng NAIA Terminal 3.
Sa 28 pahinang motion for reconsideration, hiniling ng Office of the Solicitor General sa SC na baligtarin nito ang naunang desisyon na magbayad ang gobyerno ng kabuuang 510 million dollars sa PIATCO.
Kasama na rito ang 12 percent interest kada taon simula September 11, 2006 hanggang June 30, 2013 at 6 percent interest kada taon simula July 1, 2013 hanggang maabot ang full payment.
Gayunman, nais ng OSG na ibaba na lamang sa 104.52 million dollars ang ibabayad ng gobyerno sa PIATCO dahil hindi naman tumataas ang value ng isang government property at nagkaroon na rin ng structural defects ang Terminal 3.
By Drew Nacino