Nais makipagdayalogo sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno ang Overseas Placement Association of the Philippines (OPAP) hinggil sa umiiral na travel ban sa Taiwan.
Ayon kay Alicia Devulgado, Presidente ng OPAP, partikular nilang kakausapin ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Sinabi ni Devulgado na nalalagay na kasi sa iba’t-ibang sitwasyon ngayon ang mga OFW dahil sa umiiral na travel ban.
Gaya aniya ng ilang OFW na mapapaso na ang visa ngunit hindi makauwi ng bansa matapos abutan ng travel ban.
May ilan din umanong mage-expire na ang employment permit.
Dahil dito kailangan umano nilang malaman mula sa DOLE at POEA ang mga hakbang na maaaring gawin hinggil dito.