Iminungkahi ng International Monetary Fund (IMF) sa pamahalaan na kasuhan rin ng money laundering ang mga hindi nagbabayad ng buwis.
Sa pamamagitan nito, mas mahihigpitan anila ang monitoring at kontrol ng pamahalaan sa mga ill-gotten wealth.
Ayon sa IMF, maaring isama sa listahan ng predicate crimes ng mga illegal na transaksyon ang tax evasion.
Kabilang sa mga kasalukuyang predicate crimes ang kidnap for ransom, drug trafficking, plunder, robery, piracy, smuggling, at terrorism financing.
Ang money laundering ay tumutukoy sa pera na nakuha sa illegal na paraan subalit dumaan sa isang proseso para maging lehitimo.