Dinagdagan ng Department of Transportation Technical Working Group (TWG) ang riders cap ng Angkas.
Ayon kay DOTr-TWG chair Antonio Gardiola, aabot na sa 20,000 ang Angkas riders na papayagan sa Metro Manila.
Nagkaruon aniya ng redistribution makaraang hindi mabuo ng Movelt, isa ring app para sa motorcycle taxi, ang itinakdang rider quota na tig-15,000.
Sa pinakahuling datos, nasa 20,000 ang Angkas riders sa Metro Manila, 15,000 sa Joyride, at halos 7,000 lamang sa Movelt.
Matatandaan na sa kabuuang 63,000 bikers na pinayagan para sa motorcycle pilot test, tig-15,000 dito ang Angkas, Joyride, at Movelt para sa Metro Manila at tig- 3,000 sa Cebu at Cagayan de Oro.