Tiniyak ng Pangulong Rodrigo Duterte patuloy na poprotektahan ng kanyang administrasyon ang kalayaan sa pamamahayag.
Sa oath taking ceremony ng mga bagong opisyal ng Kapisanan ng mga Broadcasters sa Pilipinas (KBP), binigyang diin ng Pangulo na titiyakin nya ang kaligtasan ng mga mamamahayag sa pagganap ng kanilang tungkulin.
Sinabihan ng Pangulo ang media na huwag magdalawang isip na ibalita kahit ang mga isyu na maaaring makasira sa kanya basta’t totoo.
Sa kabila nito, sinabi ng Pangulo na hindi rin naman nya kukunsintihin ang anumang pang-aabuso sa hanay ng media.
Our constitution upholds the freedom of the press, the function of broadcast and its privilege granted by government. It is viewed with the best interest of the nation and our people, we will not tolerate any abuse of the privilege. Ako, ang aking hinihingi is simply the truth, if the truth will destroy me so be it. ‘Wag kayo mag isip- isip pa ng kung ano, if the truth, masisira ako that’s a price of being in public service,” ani Duterte.