Hindi na naghahanap pa si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga panibagong makaka alyansang bansa kasunod ng pagbasura ng bansa sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi na interesado ang bansa na magkaroon ng panibagong kaalyansa bagkus ay magsasarili na Pilipinas.
Aniya, tututukan ngayon ng bansa ay ang pagpapalakas ng pwersa sa pamamagitan ng pagbili ng mga high–technology weapons.
Una nang sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na plano nitong palawigin ang military relations nito sa South Korea, Japan, Indonesia at iba pa para mapunan ang iniwang espasyo ng VFA termination.