Nagpapasalamat ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa pagiging bukas at mabilis na pag-aksyon ng inter-agency task force for the management of infectious disease para muling irekunsidera ang ipinatupad na travel ban sa Taiwan.
Kasunod ito ng naging pasiya ng pamahalaan ng Pilipinas na tanggalin nga travel ban sa Taiwan.
Ayon kay MECO Head Angelito Banayo, mahigpit silang nakipag-ugnayan sa Taipei Economic and Cultural Office (TECO) matapos magbanta ang pamahalaan ng Taiwan na gaganti sa Pilipinas dahil sa ipinatupad na travel ban.
Kabilang na rito ang pagbawi sa umiiral na no visa entry ng mga Filipinong magtutungo ng Taiwan gayundin ang planong pagpapatupad ng deployment ban sa mga OFW’s.
Nag-coordinate din kasi kami din, we really helped each other out at pati yung kanilang ministry of foreign affairs Minister Joseph Wu nag-appela dun sa gabinete ni President Tsai na huwag muna pabigla-bigla ang reaksyon natin hintayin muna natin because efforts were being made both TECO and MECO to reverse the initial decision,” ani Banayo.
Iginiit naman ni Banayo na walang dapat ipag-alala ang pamahalaan ng Pilipinas kaugnay sa kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Taiwan dahil maganda ang health care system sa nabanggit na bansa.
Sa katunayan, itinuturing pa aniya ang Taiwan bilang nangungunang bansa sa buong mundo na may pinakamagandang health system, daig ang Amerika at Canada.
Yung na su-survey na firm which in 2015 included Davao City as the 9th safest city in the world, if you remember that. This has his survey on health systems also for 2018 and 2019 it ajudged Taiwan has having to be the best health system in the whole world, ” ani Banayo. — panayam mula sa Sapol ni Jarius Bondoc.