Pumalo na sa 17 ang bilang ng kaso ng polio sa bansa ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Sabado.
Pinakabago sa nadagdag sa polio cases ang isang 1-year-old na batang lalaki mula sa Cabanatuan City.
Ayon sa DOH, nakaramdam ang bata ng mataas na lagnat at biglaang panghihina sa kanyang kaliwang paa.
Agad itong sinuri ng mga health workers at nagpositibo sa poliovirus.
Samantala, kinumpirma rin ng Research Institute of Tropical Medicine na nagpositibo sa poliovirus ang sample na nakuha mula sa tubig ng Butuanon River sa Cebu.
Sinabi naman ng DOH na patuloy silang tumutulong sa surveillance capacities ng Cabanatuan at Mandaue para sa poliovirus.