Pormal na pinasinayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong bukas na Sangley Airport sa lalawigan ng Cavite.
Ito’y matapos ang 866 na araw na konstrusyon ng nasabing paliparan na nagkakahalaga ng P486-M.
Una rito, target sanang matapos ng Department of Transportation (DOTr) ang Sangley Airport sa Marso ng taong ito.
Subalit dahil sa kautusan ni Pangulong Duterte na pabilisin ang pagsasaayos sa paliparan, lalo pa itong napabilis bunsod na rin sa ipinatupad na 24/7 construction ni Transportation Sec. Arthur Tugade.
Dahil dito, gagamitin muna ang Sangley Airport para sa general aviation, cargo gayundin para sa mga turboprop flights mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ng Pangulo na ito ang kaniyang gagamiting paliparan pauwi ng Davao at pabalik ng Maynila sa kaniyang mga huling araw sa puwesto.