Nais pagpaliwanagin ni dating PNP Chief ngayo’y Sen. Panfilo Lacson ang kasalukuyang liderato ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y may kaugnayan sa umano’y pagkakabilang ni P/Ltc. Jovie Espenido sa listahan ng mga pulis na nasasangkot sa illegal drug trade.
Ayon kay Lacson, nakausap na niya si Espenido na minsan na niyang naging tauhan at may nilinaw aniya ito sa kaniya kaugnay sa isyu.
Lumalabas ngayon na yung kanyang pagka-include sa narco list, yung lumang dahilan nung nandon pa siya sa Albuera anyway pwede pa ding i-clarify ito sa PNP na ano ba talaga ang naging pasya ng pagka-include sa kanya sa narco list, wala namang alam, sa pagkasabi niya sa akin; si Espenido except yon at pinadala niya ako ng kopya ng report ng ajudication board na kini-clear na siya, exclude na siya dun sa listahan,” ani Lacson.
Dahil dito, sinabi ni Lacson na malaki aniya ang magiging epekto ng nasabing usapin para kay Espenido lalo’t kilala niya ito na masipag, tapat at dedikado sa pagtupad sa tungkulin.
Kung yun lang ang dahilan dapat i-correct na kaagad ito para naman hindi mag-linger sa kaisipan ng mga kababayan, in fairness to Espenido kasi nung kasama ko siya noon, PO1 palang siya noon; ang talagang pagkakakilala ko sa kanya kapag alam niyang tama siya atsaka yung integridad niya saka yung dedikasyon sa kanyang tungkulin hindi talaga matatawaran yun lang yung aking personal experience,” ani Lacson.