Niyanig ng magnitude 3 na lindol ang bayan ng Manay, lalawigan ng Davao Oriental kaninang pasado 8:00 ng umaga.
Batay sa datos ng PHIVOLCS, natunton nila ang episentro ng pagyanig sa layong 60 kilometro silangan ng nabanggit na bayan.
Dagdag pa ng PHIVOLCS, tectonic ang pinagmulan ng nasabing pagyanig at sinasabing may lalim ito na 17 kilometro mula sa episentro.
Gayunman, walang inasahan ang PHIVOLCS na mga intensity at anumang aftershocks kasunod ng naturang pagyanig.
Wala ring naitalang pinsala ang nasabing lindol bagama’t patuloy na pinag-iingat ng PHIVOLCS ang mga residente sa lugar.