Pansamantalang nagpatupad ng provisional service ang pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) line 3 kaninang 8:00 ng umaga.
Ito’y ayon sa pamunuan ng MRT ay bunsod ng nasirang stretcher bar sa bahagi ng North Avenue Station sa Quezon City.
Dahil dito, pina-ikli lamang ang biyahe ng MRT mula Taft Avenue sa Pasay City hanggang sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong City lamang at pabalik.
Gayunman, agad napalitan ng mga tauhan ng Sumitomo – Mitsubishi Heavy Industries ang nasirang stretcher bar at kasalukuyan na itong isinasailalim sa calibration.
Dahil dito, agad nang nakabalik sa full service opearations ang mrt makalipas lang ang isang oras.