Umakyat pa sa mahigit 1,600 ang bilang ng nasawi dahil sa coronavirus disease (COVID-19) sa China.
ito ay matapos madagdagan ng 139 ang bilang ng mga namatay na pasyente dahil sa virus sa Hubei Province, ang epicenter ng COVID-19 outbreak.
Nakapagtala rin ng dagdag na 1,843 mga bagong kaso ang Hubei Health Commission.
Sa kabuuan mahigit 68,000 na ang bilang ng mga na-infect ng COVID-19 kung saan naitala ang pinakamaraming nasawi sa Hubei Province.
Sa kasalukuyan, isinailalim ng China sa disinfection at itinago sa loob ng 14 na araw ang kanilang mga pera bilang bahagi ng mga hakbang para makontrol ang pagkalat ng COVID-19.
Samantala, naitala naman sa France ang kauna-unahang pasyenteng nasawi dahil sa COVID-19 sa labas ng Asya.