Naitala sa Taiwan ang kauna – unahang pagkamatay dahil sa corona virus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Taiwan authorities, namatay ang 61 taong gulang na taxi driver sa Central Taiwan na hindi umano kailan man nakapunta sa China at wala rin naging kontak sa taong positibo sa COVID-19.
Ayon sa Central Epidemic Command Center, madalas na pinagmamaneho ng drayber ang mga turista mula sa China, Hong Kong at Macau kaya posibleng dito niya nakuha ang sakit.
Nagpositibo sa COVID-19 ang lalaki habang ang dahilan ng pagkamatay nito ay sepsis dulot ng pneumonia.
Posibleng abutin pa ng tatlong araw ang isinagasawang imbestigasyon para matukoy kung saan at paano nahawa ng naturang sakit ang lalaking namatay.