Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang namumuong sama ng panahon o Low Pressure Area na huling namataan sa 730 kilometro sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Ayon kay Manny Mendoza, Weather Forecaster ng PAGASA, inaasahang malulusaw ang LPA, kapag ito ay umakyat na sa Luzon, subalit hanggat ito ay nasa karagatan pa nananatili pa din ang posibilidad na maging isa pa itong ganap na bagyo.
Sinabi ni Mendoza na dahil sa LPA, maaaring makaranas ang Eastern Visayas at ang mga rehiyon ng Caraga at Davao ng maulap na papawirin na mayroong mahina hanggang sa katamtamang lakas ng ulan na kung minsan ay may kasamang pagkulog at pagkidlat.
By Katrina Valle