Makakakuha ng tig-P3,000 tulong pinansyal ang mahigit 1,000 OFW’s sa Albay.
Ang mga nasabing OFW ayon sa OWWA ay biktima nang pananalasa ng bagyong Tisoy noong isang taon.
Sinabi ni OWWA Bicol Spokesperson Rowena Alzaga na ipapamahagi ang financial assistance sa mahigit 1,000 OFW’s sa mga bayan ng Manito, Jovellar, Pio Duran at Malilipot na kailangang magsumite ng certificate mula sa local government unit para patunayang biktima sila ng Bagyong Tisoy.
Ang kabuuang P3.2-M na pondo bilang tulong sa mga OFW ay nagmula sa calamity assistance fund ng OWWA.