Naharang ng Bureau of Immigration (BI) ang walong biktima ng human trafficking sa dalawang paliparan sa Metro Manila at Cebu.
Ayon sa BI travel control and enforcement unit, lima ang naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na patungo sana sa Bangkok, Thailand noong February 13 at 16.
Magtutungo umano ang mga biktima sa Thailand bilang mga turista ngunit kinalaunan ay umamin na sasakay sila dito patungo sa Dubai para magtrabaho bilang domestic helper.
Samantala, napigilan din ang biyahe ng tatlo pang biktima patungong Japan noong February 10.
Kunwaring magbabakasyon ang tatlo sa Japan ngunit lumalabas na nagbayad sila ng P200,000 bawat isa para makapag trabaho doon.