Walang balak na tumakbong Pangulo ng Pilipinas si dating Senador Antonio Tirllanes IV sa 2022 elections.
Ayon kay Trillanes, bagama’t napagdesisyunan ng Magdalo na muli siyang sumabak sa pulitika kung siya ang tatanungin ay mas nanaisin niyang suportahan ang kandidatura sa pagka Pangulo ni Vice President Leni Robredo.
Aniya, nagkaisa na ang oposisyon sa ilalim ni Robredo.
Ibinasura rin ni Trillanes ang ideyang tatakbo siya bilang running mate ni Robredo dahil napagdesisyunan na ito ng taong bayan noong nakaraang eleksiyon kung saan tumakbo siya bilang vice president.
Hindi naman niya isinasara ang kanyang pinto sa posibilidad na muling pagtakbo sa pagkasenador.