Gigil na sinagot ni Senador Christopher Bong Go ang naging patutsada ni dating Senador Antonio Trillanes IV.
Matatandaang sinabi ni Trillanes na kapag natapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pasiga-siga ngayon ay siguradong magtatakbuhan na.
Ayon kay Trillanes, kapag bumababa si Pangulong Duterte ay hindi siya magtatago hindi tulad ni Trillanes na nagtago sa Senado.
Bago ito ay sinabi pa ni Trillanes na ang tunay na Bikoy ay si Trillanes at ito ang nasa likod ng mga mapanirang video.
Yung tulad sayo na magtatago dito sa Senado, pupuntahan kita, sasamahan kita, ihahatid kita sa amo mo naman, ang amo mo si satanas,” ani Go.
Sa huli, hinamon pa ni Go si Trillanes na muling tumakbo bilang Senador para magkaharap sila sa Senado.
Tumakbo ka magkita tayo dito, tumakbo ka sa 2022, hanggang 2025 pa naman ako so, mag-aabot pa naman tayo dito. Kapag nakikita ko yung litrato mo dyan sa gallery natatakot ako baka kagatin mo ako, ma-rabies pa ako,” ani Go.