Nangangamba ang mga magsasaka mula sa isang barangay sa Zamboanga City na maubos ng black bug o peste ang kanilang pananim.
Ayon sa agricultural office ng Zamboanga City, sinisira ng nasabing peste ang mga pananim at nangingitlog pa tuwing tag-ulan kaya’t mahalagang mag-spray ng pesticide.
Samantala, pumapalo na sa halos 3,000 ektarya ng lupan sa Bulacan ang napeste ng black bugs noong isang taon.
Ang black bug namang ito ayon kay Gloria Carillo, pinuno ng Bulacan agriculture office ay umatake sa kanilang palayan tuwing tag-init.
Ang mga magsasaka sa Central Luzon ay pinayuhang gumamit ng light trapping equipment habang regular na nililinis ang kanilang palayan at pag-aapply ng pathogenic microorganism para patayin ang peste.
By Judith Larino