Mariing kinondena ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang pagkakapaslang kay dating Bureau of Corrections (BuCor) legal affairs chief Atty. Frederick Anthony Santos.
Ayon kay VACC president Arsenio “Boy” Evangelista, personal niyang nakilala si Santos sa ilang mga pagdinig.
Ani Evangelista, sadyang matapang na tao si Santos at alam niyang nawala rin ang pagkakataon na mabunyag nito ang kaniyang nalalaman tungkol sa mga nangyayaring katiwalian sa loob ng BuCor at mga personalidad na nasa likod nito.
That golden opportunity na malaman natin ‘yung alam niya, malapit na ‘tong maging whistle blower, e, kung saan nga pwede niyang ilabas lahat ng nalalamgn niya, lahat ng anomalies. Actually, lahat ng anomalies na for sale sa GCTA binanggit na niya, from constitution, illegal drugs, except ‘yung mga pangalan, ‘yun ang hindi niya nabanggit, saying, do’n tayo nanghihinayang,” ani Evangelista.
Dahil dito, hindi umano malabong may kaugnayan sa trabaho ni Santos ang motibo sa pagkakapaslang sa kaniya.
Kasabay nito, nanawagan si Evangelista sa Department of Justice (DOJ) na bumuo ng isang task force na tututok sa imbestigasyon sa kaso ng pagpatay kay Santos.
We are calling or demanding DOJ to create a special Task Force Santos,” ani Evangelista. —sa panayam ng Ratsada Balita