Sinibak na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang opisyal at empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na di umano’y sangkot sa pagbibigay ng special treatment sa mga Chinese nationals kapalit ng pera.
BREAKING: Pangulong Duterte, sinibak ang lahat ng mga opisyal at kawani ng Immigration na sangkot sa “pastillas scheme” —Malacañang https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/meU3sWZMMP
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 20, 2020
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, agad umaksyon ang pangulo matapos matanggap ang report hinggil sa nabunyag na “pastillas scheme” na kinasasangkutan ng mga opisyal at tauhan ng Immigration.
Gayunman, hindi naman binanggit ni Panelo kung sinu-sino ang mga sinibak ni Panelo.
Una rito ay sinibak na ni Immigration commissioner Jaime Morente ang mga terminal heads ng Immigration sa NAIA at ang hepe ng Travel Control and Enforcement Unit.
Una rito, nabunyag na ang mga Chinese nationals na dumarating ay binibigyan ng VIP treatment ng Immigration officials kapalit ng P10,000.
Tinawag itong “pastillas scheme” dahil binibilot sa papel ang pera na parang pastillas.