Unti-unti nang nababawi ng PhilHealth ang halagang di umano’y nanakaw sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagbayad ng kanilang insurance premiums sa ahensya.
Ayon kay PhilHealth president at chief executive officer Ricardo Morales, P1.2-milyon lamang at hindi P16-milyon ang sangkot na halaga sa scam.
Sa naturang halaga, nabawi na anya nila ang mahigit sa P400,000 mula sa mga manning agencies na responsable sa pag-iisyu ng pekeng resibo sa mga biktimang OFWs at nasa proseso na ng pagbawi ang natitira pang halaga.
Tiniyak ni Morales na tuloy-tuloy ang pag-a-upgrade nila sa kanilang sistema upang hindi na maulit ang scam.
Matatandaan na kinasuhan ng dating PhilHealth employee na si Ken Sarmiento ang ilang dati at kasalukuyang opisyal ng PhilHealth dahil sa di umano’y kapabayaan at kabiguang aksyunan ang scam.
Ilang OFWs di umano ang naisyuhan ng pekeng resibo nang magbayad sila ng kanilang insurance premiums sa PhilHealth.