Minaliit lang ng Malacañang ang banta ni dating senador Antonio Trillanes IV kaugnay sa kaniyang pagganti sa pagtatapos ng Administrasyong Duterte sa 2022.
Para kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, non-sense lang ang mga naging pahayag ni Trillanes.
Ani Panelo, walang oras ang Malacañang para sa dating senador na puro aniya kabalbalan lang ang pinaggagagawa.
Una rito, sinabi ni Trillanes na bahagi ng pagpapatahimik sa kaniya ng administrasyon ang sedition case na kaniyang kinakaharap.