Ipatatawag sa imbestigasyon ng Senado ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng Bureau of Immigration na pinangalanan sa affidavit ng whistleblower sa ‘pastillas’ scheme.
Ayon kay Senador Risa Hontiveros, chairperson ng komite na dumidinig sa isyu, kabilang sa kanilang ipatatawag si dating Immigration Deputy Commissioner Red Mariñas.
Una rito, mga dating tauhan ni Mariñas na sina Bien Guevarra, Glenn Comia at Den Binsol ng Travel Control Enforcement Unit (TCEU) ng Immigration ang tinukoy sa affidavit ni Allison Chiong na pasimuno ng ‘pastillas’ scheme —ulat mula kay Cely Bueno (Patrol 19).