Isinusulong ngayon sa Kongreso na mabigyan ng discount sa transportasyon ang mga guro na tulad ng mga senior citizens, estudyante, at person with disability (PWD).
Sa ilalim ng House Bill 4129, kailangan lamang magpakita ng valid ID o PRC ID ang guro para makakuha ng discount sa pasahe sa lahat ng uri ng transportasyon.
Pumalag naman dito ang transport groups.
Ayon kay Efren de Luna, national president ng Alliance of Concerned Transport Operators (ACTO)Â , kung bibigyan ng discount ang mga teachers, baka naman sumunod na rin ang sa mga manggagawa na malaking kabawasan anya sa maliit na kita ng driver.
Sa panig ni Zeny Maranan ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap), hindi anya ito patas sa mga drivers na walang fixed na kita.