Hindi pa rin nakakabawi ang Angat Dam magmula nang bumaba pa sa normal operating level na 212 meters ang antas nito noong nakaraang taon.
Batay sa pinakahuling datos ng PAGASA hydrology division nasa 202.50 meters ang water level ng Angat Dam.
Ayon kay PAGASA hydrologist Richard Orendain, kanilang inaasahang babagsak sa 180 meters o mas mababa pa ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Ito ay dahil batay sa kanilang pagtaya, mahina hanggang sa walang ulan ang mararanasan sa bahagi ng water shed.
Sa kasalukuyan, nananatili pa rin sa 42 cubic meters ang natatanggap na alokasyon ng mga water concessionaires na mas mababa sa karaniwang 46 cubic meters.