Disiplina.
Ito ayon kay Department of Justice (DOJ) secretary Menardo Guevarra ang pinaka-epektibong paraan para matigil na ang korupsyon sa gobyerno, tulad nang nabunyag na “pastillas scheme” na kinasasangkutan ng ilang empleyado ng Bureau of Immigration (BI).
Sinabi sa DWIZ ni Guverra na hindi lamang dapat ilipat ng puwesto o tanggapan kundi sibakin na ang sinumang mapapatunayang dawit o may kinalaman sa anumang anomalya.
Kung ako ang tatanungin mo, talagang disiplinahin ng husto. Kung mapapatunayan na sangkot talaga [sa pastillas scheme], iimpose na talaga ‘yung mabigat na disciplinary measure, ‘yung tanggalin na talaga, hindi ‘yung ililipat lang sya kasi iikot-ikot lang ‘yan,” ani Guevarra.
Binigyang diin naman ni Guevarra na kumikilos na ang pamunuan ng Immigration para masolusyunan ang mga ganitong korupsyon kung saan maraming empleyado na ring sangkot ang nasibak. —sa panayam ng Ratsada Balita