Namigay ang Department of Agriculture (DA) ng P32-milyong halaga ng livelihood assistance sa mga hog raisers na apektado ng African swine fever (ASF).
Ayon sa DA, mahigit 700 mga hog raisers sa anim na barangay ang nabigyan ng mga bagong alagang baka, kambing, pugo, at manok.
Matatandaang unang naitala ang ASF outbreak sa bansa sa Rodriguez, Rizal kung saan umabot sa 7,000 mga baboy ang namatay dahil sa sakit.
Ngunit nito lamang Huwebes nang ideklara ng Agriculture Department na ASF–free ang naturang bayan.