Muli nang bubuksan sa mga turista ang ilang tourist spot sa Atok, Benguet matapos itong pansamantalang isara dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Atok Mayor Raymundo Sarac, simula bukas, Sabado, ay maari nang bumisita sa eco-tourism attractions tulad ng Sakura Park, Northern Blossom Flower Farm, at iba pa.
Ngunit bilang bahagi pa rin ng pag-iingat ay pinapayuhan ang mga tao ang madalas na paghuhugas na kamay.
Mayroong aniyang tubig, sabon, hand sanitizer, at alcohol na available sa mga toursim sites at business establishments.