Kinumpirma ni Senator Cynthia Villar, ina ni Congressman Mark Villar, na hindi na ito sasabak sa pagka-Senador para sa 2016 elections.
Sinabi ng Senadora na naglabas lamang sila ng political ads, upang malaman ang pulso ng taong bayan.
Mabuti na din aniyang hindi tumakbo sa pagka-Senador ang kanyang anak dahil hindi siya papayag na mailinya ito sa Partido Liberal, para hindi na matali ang kanilang partido sa koalisyon.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)