Tuloy ang pagdinig ng Senado hinggil sa franchise renewal ng ABS-CBN network ngayong araw.
Inaasahang dadalo sa pagdinig ang ilang mga matataas na opisyal ng nabanggit na network habang imbitado rin bilang resource person si Solicitor General Jose Calida.
Kasabay naman ng Senate hearing ang deadline ng Korte Suprema para magkomento ang ABS-CBN hinggil sa inihaing petisyon ng Office of the Solicitor General (OSG) para sa isang gag order.
Una nang sinabi ni Senadora Grace Poe, chairman ng Committee on Public Service na napilitan siyang paagahin ang schedule ng kanilang pagdinig kasunod ng inihaing petition ng OSG.
Ito aniya ay upang hindi magkaroon ng conflict at mapigilan sa pagsasalita ang mga imbitadong resource person ng komite —ulat mula kay Cely Bueno (Patrol 19).