Halos 200 medical personnel ang magbabantay sa kondisyon ng mga ililikas na Pilipino mula sa MV Diamond Princess sa Japan.
Bukas, Martes inaasahang darating sa bansa mula sa nasabing cruise ship ang mga nasabing Pinoy na karamihan ay crew ng barko.
Ayon sa DOH, 10 medical personnel na ang nasa Japan at ang mga ito ay makakasama ng mga Pinoy mula sa bus patungong Haneda Airport at hanggang sa eroplano pabalik dito sa Pilipinas.
Pagdating sa New Clark City sa Tarlac kung saan sasailalim sa 14 day mandatory quarantine period ang mga Pinoy 25 team ang magpapalitan sa pagbabantay sa mga ito.
Sinabi ng DOH na isasailalim pa sa pagsusuri ang mga naturang Pinoy bago isakay ng eroplano at kung mayroong magpo positibo, iiwan ang mga ito sa Japan para dito magpagaling.