Halos inumaga na ang pag-uusap nina Senador Alan Peter Cayetano at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Ayon kay Cayetano, tumagal ng apat na oras ang dinner nila ni Duterte na aniya’y humingi pa ng dagdag na panahon para mag-desisyon kung tuluyang sasabak sa 2016.
Sinabi ni Cayetano na nararamdaman niyang malalaman ng publiko ang desisyon ni Duterte sa panahon ng filing ng COC o Certificate of Candidacy.
Ayaw naman niyang pangunahan si Duterte subalit nararamdaman niyang tutuloy ito sa 2016 Presidential elections.
Binigyang diin ni Cayetano na ramdam ni Duterte ang bigat nang paghahanap ng publiko ng tunay na lider ng bansa.
Qualified
Kuwalipikadong maging Vice Presidentiable si Senador Alan Peter Cayetano.
Binigyang diin ito ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte at ikinararangal niyang sa kanilang lugar nag anunsyo si Cayetano nang pagtakbo sa 2016 elections.
Sinabi ni Duterte na wala pa silang pinal na napagkasunduan ni Cayetano at hindi pa naman din aniya siya nakakapag-desisyon kung tutuloy sa 2016 Presidential elections.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)