Binalaan ng Department of Agriculture (DA) ang mga negosyanteng hindi sumusunod sa itinakda nilang suggested retail price (SRP).
Ito’y kasunod ng pagtatakda ng Department of Trade and Industry (DTI) ng SRP sa mga piling agricultural products.
Ayon kay Agriculture secretary William Dar, mahaharap sa parusang pagkakakulong ng mula lima hanggang 15 taon at multang mula P5-milyon hanggang P2-milyon ang mga abusadong negosyante.
Ani Dar, araw-arawin nila ang mga pagbisita sa mga palengke upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa itinakda nilang SRP.