Ipinababasura ng ABS-CBN Network sa Korte Suprema ang inihaing quo warranto petition ng Office of the Solicitor General (OSG).
Sa 58 pahinang komento, iginiit ng ABS-CBN Corporation at ABS-CBN Convergence Inc. na tanging ang kongreso lamang ang may kapangyarihan para bawiin ang kanilang prangkisa.
Ayon sa network, posibleng malabag ang prinsipiyo ng separation of powers kung pagbibigyan ng Korte Suprema ang petisyon ng OSG.
Nilalabag din anila nito ang hierarchy of courts.
Naniniwala rin ang ABS-CBN na walang merito ang inihaing quo warranto petisyon ng OSG dahil wala naman silang nilalabag sa kanilang legislative franchise.
Kahapon, ika-24 ng Pebrero, isinumite ng nabanggit na network sa Korte Suprema ang kanilang komento sa inihaing quo warranto at gag order petition na inihain ng OSG laban sa kanila.