Tiniyak ng Department of Health (DOH) ang kahandaan ng bansa sakaling umabot sa global pandemic ang kaso ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Sinegundahan ni Health secretary Francisco Duque III ang pahayag ng World Health Organization (WHO) na may potensyal na maging pandemic ang COVID-19 dahil sa dami at bilis ng pagkalat ng virus.
Sinabi ni Duque na kasado na ang protocol para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 at tuluy-tuloy ang ginagawa nilang pagsasa-ayos nito.
Unang linggo pa lang ng Enero pina-igting na natin ang mga surveillance natin at ang ating isolation, detection, ang contact tracing, convention measures –lahat naman po ito ating pina-igting na at tuloy-tuloy ang pagpapalakas pa rin ng ating mga Sistema at mga gawain,” ani Duque. —sa panayam ng Ratsada Balita