Ang main office ng kumpanyang Honda Cars ang nagpasyang ipasara na ang planta sa Laguna.
Ayon ito kay Trade and Industry secretary Ramon Lopez dahil hindi lamang planta ng Honda Cars sa Pilipinas kun’di maging sa Turkey, United Kingdom, Argentina at Mexico ay ipinasara na rin nila.
Sa kaniyang pakikipag-usap sa mga opisyal ng kumpanya, sinabi ni Lopez na tiniyak sa kaniya ng mga ito na mabibigyan ng sapat na kompensasyon ang halos 400 manggagawa nito.
Magugunitang naglunsad ng kilos protesta ang mga empleyado ng Honda Cars matapos silang biglain sa pagpapasara ng naturang planta.