Plano di umano ng Australian parliament na sundan ang Magnitsky Act ng Estados Unidos na nagbabawal sa mga human rights violators ni Senador Leila De Lima na makaapak sa Estados Unidos.
Ayon kay Atty. Philip Sawali, chief of staff ni De Lima, may mga miyembro ng Australian parliament na nakipag-ugnayan sa senador.
Nais anya nilang malaman ang opinyon ni De Lima hinggil sa Magnitsky Act bilang biktima at global justice champion.
Mayroon nang sariling bersyon ng Magnitsky Act ang Canada, United Kingdom, Lithuania, Latvia at Estonia, samantalang isinusulong rin ang kahalintulad na hakbang sa Ukraine at European union.