Nais ng East Timor Prime Minister na magbitiw na sa pwesto matapos na hindi pumasa sa parliament ang national budget ng bansa.
Ayon kay Prime Minister Taur Matan Ruak, magpapatuloy siya sa kanyang posisyon habang hindi pa tinanggap ng Pangulo ang kanyang pagbibitiw.
Una nang nahati ang coalition government na pinangungunahan ng Prime Minister dahil sa pagharang ng oposisyon at government parties sa 2020 budget.