Pinakakalma ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait ang mga Pilipino doon matapos makumpirmang mayroon nang kaso ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa Kuwait.
Ayon sa Embahada ng Pilipinas, hindi dapat matakot ang mga pilipino kun’di ibayong pag-iingat lamang ang kailangan.
Payo rin ng embahada na mayroon mang virus o wala, dapat na ugaliing maging malinis sa katawan upang hindi mahawaan ng sakit.
Kasabay nito, hinimok ng embahada ang mga Pilipino sa Kuwait na bisitahin ang website ng World Health Organization (WHO) para sa karagdagang kaalaman kung paano maiiwasan ang virus.