Hinikayat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino sa Iran na makinig at sumunod sa mga abiso na inilalabas ng local health authorities hinggil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Kasabay nito pinaalalahanan din ng DFA ang mga Pilipino sa nasabing bansa na sumunod sa mga inilalathalang preventive measure ng Department of Health (DOH) para maiwasan na mahawa ng sa sakit.
Sa ngayon ay wala pang Pilipinong kumpirmadong positibo ng virus sa nasabing bansa.