Sinagot na ng Office of the Solicitor General (OSG) ang komento ng ABS-CBN sa quo warranto petition na inihain sa Korte Suprema ni Solicitor General Jose Calida.
Binigyang diin ni Calida sa kanyang consolidated reply na hindi hangarin ng quo warranto petition na sagkaan ang kalayaan sa pamamahayag.
Layon lamang anya nito na itama ang mga kamaliang nagawa sa publiko ng ABS-CBN nang lumabag sila sa mga probisyon ng kanilang prangkisa.