Suportado ni Davao City Mayor Sara Duterte ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.
Naniniwala si Mayor Duterte na magbabago rin ang pananaw ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte sa ABS-CBN dahil maawain ito lalo na sa mga manggagawa na puwedeng mawalan ng trabaho.
Una rito ay tinanggap na ng pangulo ang paghingi ng paumanhin ng ABS-CBN sa hindi pag-ere ng kanyang political ads noong 2016.
Gayunman, sinabi ng pangulo na nasa kamay pa rin ng Kamara ang kapalaran ng pagrenew sa prangkisa ng ABS-CBN.